Lokal na Pamahalaan ng San Rafael, Nagpugay sa mga Manggagawang Pilipino
- SB San Rafael

- May 1
- 1 min read

Nagpaabot ng taos-pusong pagbati ang lokal na pamahalaan ng San Rafael para sa lahat ng mga manggagawa ngayong ginugunita ang Labor Day.
Ang pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan upang bigyang-pugay ang walang katulad na sakripisyo at dedikasyon ng mga manggagawa.
Ayon sa pamunuan, sila ang tunay na haligi ng ekonomiya at patuloy na inspirasyon ng bawat Pilipino. Ang kanilang pagsusumikap ay hindi lamang nagbibigay ng magandang kinabukasan para sa kani-kanilang pamilya, kundi nagiging malaking tulong din sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng bayan.
Ipinahayag ng mga opisyal na nawa’y patuloy na maramdaman ng mga manggagawa ang lubos na pagpapahalaga at pagkilala sa kanilang mga kontribusyon sa lipunan.





Comments