top of page

Local Health Board ng San Rafael, Nagsagawa ng Pagpupulong

Aug 26
1 min read

Nagsagawa ng Local Health Board Meeting sa San Rafael ngayong Agosto 26, 2026 upang talakayin ang mga usapin at programa para sa kalusugan ng mga residente ng bayan.


Layunin ng pagpupulong na mapag-usapan ang mga pangunahing pangangailangan ng sektor ng kalusugan at ang mga hakbang na maaaring isagawa upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa komunidad.


Bahagi rin ng pagpupulong ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan at mga kinauukulang sektor upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan sa San Rafael.


Patuloy na isinasagawa ng Local Health Board ang mga pagpupulong nito bilang bahagi ng pagpaplano at pagbuo ng mga hakbang para sa mas maayos at episyenteng serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan.

Comments


bottom of page