top of page

Lipad San Rafael! Marker ng The Fraternal Order of Eagles, Pinasinayaan sa Maasim


Isang mahalagang simbolo ng pagkakaisa at serbisyo sa komunidad ang opisyal na inilabas sa isinagawang Unveiling of Eagles Marker ng Grand San Rafael Eagles Club sa Barangay Maasim.


Ang nasabing seremonya ay dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng The Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles, katuwang ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan. Ang marker na ito ay nagsisilbing pagkilala sa aktibong papel ng kapatiran sa paglulunsad ng mga makabuluhang programa at kawanggawa para sa mga mamamayang San Rafaeleño.



Sa mensahe ng pagbati nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, kinilala ang dedikasyon ng Grand San Rafael Eagles Club sa pagtulong sa mga nangangailangan at sa pakikipagtulungan sa mga inisyatiba ng bayan.


"Ang marker na ito ay hindi lamang isang istraktura, kundi paalala ng matibay na samahan na laging handang rumesponde at maglingkod sa ating kapwa. Nawa ay patuloy na mamayagpag at mas maging matayog pa ang lipad ng ating kapatiran para sa ikabubuti ng San Rafael," anang pahayag mula sa lokal na pamahalaan.


Ang The Fraternal Order of Eagles ay kilala sa kanilang adhikaing "Service Through Strong Brotherhood." Sa pamamagitan ng bagong marker sa Maasim, muling pinagtibay ng samahan ang kanilang pangako na maging kaagapay ng Pamahalaang Bayan sa pagpapanatili ng kaayusan at pag-unlad ng komunidad.

Comments


bottom of page