top of page

Lingguhang Pagtataas ng Watawat, Pinangunahan ng RHU 1 sa San Rafael


Matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang kanilang lingguhang pagtataas ng watawat ngayong araw ng Lunes, ika-4 ng Mayo. Ang aktibidad ay ginanap upang muling bigyang-pugay ang watawat at maipamalas ang pagmamahal sa bayan.


Ang palatuntunan ay pinangunahan ng Tanggapan ng Rural Health Unit (RHU) 1 - Super Health Center, sa ilalim ng pangangasiwa ni Dra. Josefina Editha L. Saddam.


Sa naging mensahe ng tanggapan, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan at kalusugan ng bawat mamamayan. Ipinakita rin sa maikling programa ang pagkakaisa ng mga kawani ng lokal na pamahalaan bago simulan ang kanilang mga gawain at paglilingkod para sa linggong ito.



Comments


bottom of page