top of page

Lingguhang Pagtataas ng Watawat, Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office


Matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong ika-13 ng Abril, 2026.


Ang nasabing seremonya ay pinangunahan ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa ilalim ng pangangasiwa ni MAO Rea Joy Calderon. Ang gawaing ito ay bahagi ng regular na aktibidad ng munisipyo upang palakasin ang disiplina, pagkakaisa, at pagpapakita ng wagas na pagmamahal sa ating bansa.



Dumalo sa nasabing pagtitipon ang ating mga lingkod-bayan sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kawani mula sa iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan.



Comments


bottom of page