Lingguhang Pagtataas ng Watawat, Pinangunahan ng Municipal Accounting Office
Updated: Sep 30

Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang lingguhang pagtataas ng watawat ngayong Lunes, Setyembre 28, bilang pagpapakita ng paggalang sa watawat ng Pilipinas at pagmamahal sa bayan.
Pinangunahan ng Municipal Accounting Office, sa pamumuno ni Municipal Accountant Emerenciana DL. Forlales, ang palatuntunan.
Binigyang-diin sa seremonya ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina at malasakit bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap tungo sa mas maunlad at masiglang Bayan ng San Rafael.







Comments