Lingguhang Pagtataas ng Bandila, Pinangunahan ng Accounting Office
- SB San Rafael

- Mar 30
- 1 min read

Bilang panimula sa isang produktibong linggo ng paglilingkod, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong Lunes, ika-30 ng Marso, sa harap ng ating Munisipyo.
Ang palatuntunan ay pinangunahan ng Municipal Accounting Office sa ilalim ng pangangasiwa ni Gng. Emerenciana Forlales. Ang lingguhang aktibidad na ito ay bahagi ng ating tradisyon upang magbigay-pugay sa bandila at muling pagtitibay ng ating sinumpaang tungkulin bilang mga lingkod-bayan.
Dumalo sa nasabing seremonya ang ating mga pinuno sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kawani mula sa iba't ibang departamento.
Sa kanyang maikling mensahe, binigyang-diin ang kahalagahan ng integridad at kaayusan sa bawat transaksyong isinasagawa sa munisipyo upang masiguro ang tapat na paggamit ng pondo ng bayan para sa mga San Rafaeleño.





Comments