LINGGUHANG FLAG-RAISING CEREMONY SA SAN RAFAEL, PINANGUNAHAN NG RURAL HEALTH OFFICE II

Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang lingguhang pagtataas ng watawat ngayong Lunes, Nobyembre 9, bilang pagpapakita ng paggalang sa watawat ng Pilipinas at pagmamahal sa bayan.
Pinangunahan ng Rural Health Office II, sa pamumuno ni Municipal Health Officer Dra. Maria Cristina S. Vergel De Dios, ang palatuntunan.
Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina at malasakit bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap para sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng San Rafael.






Comments