top of page

Ligtas na Paaralan: Foot Patrol at Police Visibility, Isinagawa ng PNP San Rafael

Upang patuloy na matiyak ang seguridad at kaayusan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan, muling nagsagawa ng Foot Patrolling at Police Visibility ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Carlos F. Gonzales High School sa Barangay Maguinao noong Hulyo 24, 2026.


Isinagawa ang naturang pagpapatrolya simula 6:32 ng umaga sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.


Layunin ng patuloy na inisyatibong ito na magbigay ng kapanatagan sa buong komunidad ng paaralan sa pamamagitan ng aktibong presensya ng kapulisan (police presence), kasabay ng pagpapanatili ng maayos na daloy ng trapiko at pag-iwas sa anumang insidente o krimen sa paligid ng pampublikong mataas na paaralan.



Recent Posts

See All

Comments


bottom of page