top of page

Ligtas na Komunidad at Negosyo: Foot Patrol at Establishment Visitation, Isinagawa ng PNP San Rafael

Jul 21
1 min read

Upang patuloy na mapanatili ang kaayusan at tiyakin ang seguridad ng mga negosyo at mamamayan, nagsagawa ng Foot Patrolling at Establishment Visitation ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Maasim nitong Hulyo 20, 2026.


Isinagawa ang naturang operasyon simula 10:23 ng umaga sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.


Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang presensya ng kapulisan (police presence), patatagin ang ugnayan sa mga lokal na negosyante, at tiyakin ang kaligtasan ng komunidad laban sa anumang uri ng kriminalidad.


Comments


bottom of page