top of page

Libreng Zumba Session, Tampok sa Christmas Village and Bazaar 2026

2 days ago
1 min read

Magkakaroon ng libreng Zumba session sa Municipal Grounds sa Sabado, Nobyembre 28, 2026, bilang bahagi ng mga aktibidad sa Christmas Village and Bazaar 2026.


Gaganapin ang programa ganap na alas-5:30 ng hapon sa pangunguna ni ZIN Chumack Calbay. Inaanyayahan ang mga residente na makiisa sa aktibidad na naglalayong maghatid ng kasiyahan at pagkakataong makapag-ehersisyo habang ipinagdiriwang ang diwa ng Pasko.


Hatid ang aktibidad ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr., Vice Mayor Edison M. Veneracion, at ng Sangguniang Bayan.

Comments


bottom of page