Libreng Skills Training sa Welding (NC I), Inilunsad ng PESO San Rafael
- SB San Rafael

- Aug 11
- 1 min read

Upang magkaroon ng dagdag na kasanayan at mas magandang oportunidad sa trabaho ang mga mamamayan, naglunsad ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), ng isang libreng Livelihood Skills Training Program para sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW NC I).
Ang 15-araw na pagsasanay ay nakatakdang isagawa mula Lunes hanggang Biyernes, oras ng 8:00 AM hanggang 3:00 PM, sa Motorpool na matatagpuan sa Municipal Compound ng San Rafael.
Bukas ang programa sa mga residente ng San Rafael na may edad 18 hanggang 40 taong gulang at handang sumailalim sa kabuuang pagsasanay. Limitado lamang sa 20 slots ang naturang pagsasanay batay sa first come, first served na batayan.
Para sa mga interesadong aplikante, maaari nang magtungo at magsumite ng mga kinakailangang dokumento—tulad ng dalawang (2) pirasong 1x1 picture, Barangay Certification, at Xerox ng Valid Government ID na may tirahan sa San Rafael—sa Tanggapan ng PESO San Rafael na matatagpuan sa likod ng Victory Coliseum, Barangay Sampaloc.
Ang patuloy na pagkakaloob ng mga programang pangkasanayan at bokasyunal ay buong pusong sinusportahan ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang ihanda ang kabataan at mamamayan sa mas magandang oportunidad sa kabuhayan.





Comments