top of page

Libreng Skills Training sa Beauty Care (Nails) NC II, Inilunsad ng PESO San Rafael


Upang magbukas ng bagong pintuan ng pangkabuhayan at mapaunlad ang kasanayan ng mga mamamayan sa larangan ng personal care, naglunsad ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), ng libreng Livelihood Skills Training Program para sa Beauty Care (Nails) NC II.


Ang 15-araw na pagsasanay ay isasagawa mula Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na 8:00 AM hanggang 3:00 PM, sa Old RHU I Building na matatagpuan sa Municipal Compound ng San Rafael.


Bukas ang nasabing programa sa mga residente ng San Rafael na may edad 18 hanggang 50 taong gulang at may kagustuhang matuto at sumailalim sa kabuuang pagsasanay. Limitado lamang sa 20 slots ang naturang programa batay sa first come, first served na batayan.


Sa mga interesadong mag-apply, magtungo lamang at magdala ng dalawang (2) pirasong 1x1 picture, Barangay Certification, at Xerox ng Valid Government ID na may tirahan sa San Rafael sa Tanggapan ng PESO San Rafael na matatagpuan sa likod ng Victory Coliseum, Barangay Sampaloc.


Ang tuluy-tuloy na pagpapatupad ng mga kapaki-pakinabang na programang pangkasanayan ay buong pusong itinaguyod ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang mapalakas ang kakayahan at pangkabuhayan ng bawat San Rafaeleño.

Comments


bottom of page