top of page

Libreng Medical, Dental, at Optical Mission, Isasagawa sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael


Isasagawa ang isang libreng Medical, Dental, at Optical Mission sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa darating na Linggo, Agosto 2, 2026.


Gaganapin ang naturang lingap-kalusugan mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, kung saan maraming residenteng San Rafaeleño ang inaasahang makakatanggap ng libreng konsultasyong medikal, gamot, suri sa ngipin, at atensyong pangkatawan.


Ang serbisyong ito ay handog ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc., Bulacan Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc., at Dragon Fireworks, sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng San Rafael.


Ang patuloy na pag-aabot ng mga programang pangkagalingan at pangkalusugan sa komunidad ay bahagi ng inisyatibo ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang tiyakin ang malusog at ligtas na pamayanan.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page