top of page

Libreng Anti-Rabies Vaccination, Isasagawa sa San Rafael

5 days ago
1 min read

Maglulunsad ang Municipal Agriculture Office ng libreng anti-rabies vaccination para sa mga alagang aso at pusa sa Setyembre 27, 2026, mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa WalterMart San Rafael.


Inaanyayahan ang mga pet owner sa bayan na dalhin ang kanilang mga alagang hayop upang mabakunahan laban sa rabies.


Layunin ng programa na maprotektahan ang mga alagang hayop at makatulong sa pag-iwas at pagbawas ng mga kaso ng rabies sa San Rafael.


Hinihikayat ang mga pet owner na makilahok sa programa bilang bahagi ng responsableng pag-aalaga sa mga hayop at pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng pamilya at komunidad.

Comments


bottom of page