LCPC, GFPS, LCAT-VAWC at 4Ps MAC, Nagsagawa ng Joint Quarterly Meeting

Isinagawa ang 3rd Joint Quarterly Meeting ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), Gender and Development Focal Point System (GFPS), Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC), at 4Ps Municipal Advisory Council (4Ps MAC) bilang bahagi ng patuloy na koordinasyon para sa kapakanan at proteksyon ng mga mamamayan.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga programa, aktibidad at hakbangin para sa pagpapalakas ng serbisyong panlipunan, pangangalaga sa mga bata, pagsusulong ng gender equality, pag-iwas sa trafficking at karahasan laban sa kababaihan at mga bata, at suporta sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang ugnayan at koordinasyon ng mga kaugnay na tanggapan at katuwang na ahensya upang maisulong ang ligtas, inklusibo at child-friendly na komunidad sa San Rafael.







Comments