Kauna-unahang Mayor's Cup Tennis Tournament 2026, Pormal nang Binuksan sa San Rafael
- SB San Rafael

- Jul 17
- 1 min read

Kasaysayan at palakasan ang nagtagpo sa bayan ng San Rafael matapos pormal na buksan ang kauna-unahang Mayor's Cup 2026 – Tennis Tournament, nitong ika-16 ng Hulyo.
Ang makabuluhang palaro ay matagumpay na naisakatuparan sa pamamagitan ng dedikasyon at pagsisikap ng Local Youth Development Office (LYDO) sa ilalim ng pamumuno ni LYDO Officer Erl Veneracion. Ito ay naging posible rin dahil sa buong suporta ng mga pinuno ng bayan sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion.

Bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng torneo, pinangunahan mismo ni Mayor Goto Violago ang Ceremonial Serve. Hindi rin nagpahuli ang alkalde nang sumabak ito sa isang kapana-panabik na Exhibition Game na lalong nagbigay-sigla at inspirasyon sa mga kalahok na manlalaro at mga manonood.
Layunin ng kauna-unahang palarong ito na magbigay ng maayos na plataporma para sa mga lokal na atleta upang maipamalas ang kanilang talento sa tennis, habang isinusulong ang aktibo at malusog na pamumuhay sa komunidad.
Binabati ng pamahalaang bayan ang lahat ng mga kalahok na atleta at hinihikayat ang bawat isa na ipatupad at ipakita ang tunay na diwa ng sportsmanship, disiplina, at pagkakaisa sa buong durasyon ng torneo.




Comments