top of page

KATROPA Training, Isinagawa para sa mga Kawani at Ama sa San Rafael

Sep 25
1 min read

Isinagawa sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Responsible Parenthood and Family Leadership Training sa ilalim ng programang KATROPA (KAlalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa PAmilya).


Pinangunahan ng Municipal Population Office ang aktibidad na nilahukan ng mga kawani at ama ng lokal na pamahalaan. Layunin nitong palakasin ang kamalayan at pananagutan ng mga kalalakihan sa kanilang papel bilang ama at haligi ng pamilya.


Bahagi rin ang aktibidad ng pakikiisa ng Pamahalaang Bayan sa pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary, na nagbibigay-diin sa paghubog sa mga kawani bilang mahusay na lingkod-bayan at responsableng miyembro ng kanilang pamilya.


Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang pagbuo ng mga pamilyang may malasakit, respeto, pagkakaisa at pananagutan.

Comments


bottom of page