Kapulisan, Nagbigay-Seguridad sa Carlos F. Gonzales High School

Nagsagawa ng foot patrolling at police visibility ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station noong Setyembre 25, 2026, bandang alas-6:26 ng umaga sa Carlos F. Gonzales High School sa Barangay Maguinao, San Rafael, Bulacan.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael Municipal Police Station.
Layunin ng foot patrol at police visibility na mapanatili ang presensya ng kapulisan sa lugar at makatulong sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan sa loob at paligid ng paaralan.






Comments