top of page

KAPANALIG KALASAG Batch 24, Isinagawa sa San Rafael

Oct 29
1 min read

Matagumpay na isinagawa ang KAPANALIG KALASAG Batch 24, isang programa na naglalayong ilayo ang kabataan sa panganib ng ipinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman at kamalayan sa masasamang epekto nito.


Pinangunahan ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. ang programa, katuwang si Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion at ang mga konsehal ng Sangguniang Bayan ng San Rafael.


Ang KAPANALIG ay programang inihain ni Konsehal Nestor V. Vicho na naglalayong gabayan ang mga kabataan upang maiwasan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot at mapangalagaan ang kanilang kalusugan at kinabukasan.


Ayon sa ulat, umabot na sa 1,640 ang kabuuang miyembro ng KAPANALIG at wala pang naitatalang miyembrong nasangkot sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.


Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ang mga programang nagbibigay-kaalaman at gumagabay sa kabataan upang makatulong sa pagpapanatili ng ligtas, malusog, at drug-free na komunidad sa San Rafael.


Comments


bottom of page