Kapakanan ng Mamamayan, Prayoridad ni Mayor Goto Violago
- SB San Rafael

- Mar 22
- 1 min read
Sa bawat linggong lumilipas, sinisiguro ng Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago Jr. ang kanyang oras at lakas ay nakatuon sa pagtugon sa mga pangunahing suliranin at pangangailangan ng bawat sektor. Mula sa mga programang pang-edukasyon, kalusugan, hanggang sa pangkabuhayan, nananatiling prayoridad ang kapakanan ng mga San Rafaeleño.
"Ang bawat gawain na ating sinisimulan ay tinitiyak nating maayos at tapat na naipararating sa inyo. Hindi tayo titigil sa paghahanap ng mga paraan upang mas mapabuti ang antas ng pamumuhay sa ating bayan," anang Punong Bayan.
Katuwang sina Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion at ang buong Sangguniang Bayan, patuloy ang pag-arangkada ng mga proyekto na direktang pakikinabangan ng komunidad. Ang ganitong uri ng pamumuno ay nagsisilbing pundasyon upang mapanatili ang tiwala at pagkakaisa ng bawat isa sa pag-abot ng mas maunlad na kinabukasan.





Comments