Kampanya Laban sa Ilegal na Droga, Pinalakas nina Mayor Goto, PNP, at mga Kapitan

Upang higit pang paitingion ang kampanya para sa isang ligtas at payapang pamayanan, nakipagpulong si Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. sa lokal na kapulisan at mga Punong Barangay sa bayan ng San Rafael.
Dinaluhan ang nasabing pagtitipon ng mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station at ng mga Kapitan mula sa iba't ibang barangay upang masusing talakayin ang mga kasalukuyang hakbang at mga bagong estratehiya sa pagsugpo sa ilegal na droga sa bawat sulok ng munisipyo.

Sa naturang pulong, binigyang-diin ni Mayor Violago ang kahalagahan ng mabilis na pagpapasa ng impormasyon at direktang pagtutulungan ng mga opisyal ng barangay at ng pulisya upang agad na maaksyunan ang anumang banta ng ilegal na droga sa mga komunidad.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na paninindigan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael, katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, na isulong ang isang drug-free, ligtas, at maunlad na bayan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng bawat sektor.






Comments