Kamalayan ng Kabataan Laban sa Droga, Mas Pinatindi
- SB San Rafael

- May 29
- 1 min read

Bilang bahagi ng kaniyang walang humpay na adbokasiya para sa isang ligtas, maayos, at malinis na komunidad, personal na dinaluhan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. ang pagtitipon ng KAPANALIG-KALASAG (Kabataan Laban sa Bawal na Gamot) Batch #23.
Ang naturang programa ay naglalayong palakasin at itaas ang antas ng kamalayan ng mga kabataang San Rafaeleño ukol sa masasamang epekto ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang kalusugan, pamilya, at kinabukasan. Bukod dito, layon din ng pagsasanay na hikayatin ang sektor ng kabataan na maging aktibong katuwang ng lokal na pamahalaan at kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong bayan.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Violago ang kahalagahan ng paggabay sa susunod na henerasyon upang mailayo sila sa mga masasamang bisyo. Nanghikayat din ang alkalde sa publiko na patuloy na suportahan ang mga kahanga-hangang programang nagbibigay ng pag-asa, tamang direksyon, at magandang kinabukasan para sa mga kabataan.





Comments