top of page

Kaligtasan sa Eskwela: 'Kuya Edison' Nagkaloob ng Metal Scanners sa East and West Districts at St. Luke's School

Jul 7
1 min read

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro, nagkaloob si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion ng mga metal scanner sa San Rafael East District, San Rafael West District, at St. Luke's School of San Rafael.


Ang hakbang na ito ay tugon at suporta ng bise alkalde—na mas kilala bilang "Kuya Edison"—sa pagpapatupad ng DepEd Order No. 006 S. 2026 o ang Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment.



Sa ilalim ng nasabing kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon, itinatatag ang mas mahigpit na seguridad sa mga eskwelahan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng routine inspection o regular na pagsusuri sa mga bag at sasakyan bago pumasok sa gate ng paaralan. Ang paggamit ng mga metal scanner ay malaking tulong upang maging mabilis, maayos, at epektibo ang inspeksyon nang hindi naaantala ang pagpasok ng mga estudyante at kawani.


Ayon kay Vice Mayor Veneracion, prayoridad ng kaniyang tanggapan na maging katuwang ng sektor ng edukasyon sa paglikha ng isang komportableng kapaligiran kung saan malayo sa kapahamakan ang kabataan habang nag-aaral.


Nanawagan din ang bise alkalde sa mga magulang, guro, at lokal na pamayanan na magpatuloy sa pagtutulungan upang mapanatiling ligtas at payapa ang bawat paaralan sa buong bayan ng San Rafael.

Comments


bottom of page