Kakayahan ng mga Tanod sa San Rafael, Pinalakas sa Pamamagitan ng Programang STEP ng DILG
- SB San Rafael

- Jun 23
- 1 min read

Upang mas mapataas ang kalidad ng serbisyo at seguridad sa mga pamayanan, matagumpay na isinagawa ang dalawang araw na San Rafael Tanod Empowerment Program (STEP) nitong nakaraang Hunyo 22 hanggang 23, 2026.
Ang mahalagang pagsasanay na ito ay pinangasiwaan ng tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael at iba pang mga katuwang na ahensya na nagsusulong ng isang ligtas at maayos na komunidad.

Pangunahing layunin ng programang STEP na bigyan ang mga barangay tanod ng sapat na kaalaman at praktikal na kasanayan sa mga sumusunod na larangan:
Public Safety (kaligtasang pampubliko)
Basic Law Enforcement Procedures (pangunahing proseso sa pagpapatupad ng batas)
Disaster Preparedness (kahandaan sa panahon ng sakuna)
Tamang Pakikitungo sa Mamamayan
Sa pamamagitan ng mga serye ng oryentasyon, mas pinatibay ang kahalagahan ng papel ng mga tanod bilang unang linya ng depensa sa mga barangay at bilang matatag na katuwang ng kapulisan at lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan.
Buong-puso namang nagpaabot ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa mga eksperto na nagsilbing tagapagsanay at tagapagsalita na nagbahagi ng kanilang kaalaman para sa programa:
PSSg Joan A. Balubar
PCpl Cebrick P. Libunao
Pvt Mackie E. Guinauan
Cpl Mark Anthony C. Esquejo





Comments