Kahilingan para sa Warehouse sa Capihan, Isinailalim sa Pampublikong Pagdinig

Nagsagawa ng pampublikong pagdinig ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa Barangay Capihan kaugnay ng kahilingan ni Mrs. Rollena S. Santos para sa Sangguniang Bayan Clearance para sa planong pagpapatayo ng warehouse sa naturang lugar.
Pinangunahan ni Kgg. Nestor V. Vicho, Chairman ng Committee on Public Works and Infrastructures, ang pagdinig, kasama si Vice Mayor Edison M. Veneracion, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kinauukulang panig.
Isinagawa ang pagdinig bilang bahagi ng proseso ng pagsusuri ng Sangguniang Bayan sa naturang kahilingan bago ang kaukulang pagtalakay at pag-aksyon.






Comments