top of page

Kahandaan ng San Rafael Rescue, Personal na Sinuri ng Panlalawigang Tanggapan


Upang matiyak ang pinakamataas na antas ng kahandaan at koordinasyon ngayong Mahal na Araw, binisita ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Bulacan ang operasyon ng MDRRMO San Rafael sa ikalawang araw ng OPLAN SUMVAC 2026.


Ang nasabing pagbisita ay naglalayong personal na masaksihan ang deployment ng mga responders at ang sistematikong pagbabantay na isinasagawa sa mga istratehikong punto sa ating bayan. Ang pagbisitang ito ng panlalawigang tanggapan ay nagpapatibay sa ugnayan ng lokal at panlalawigang pamahalaan sa aspeto ng public safety at emergency response.


Ayon kina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, ang ganitong uri ng koordinasyon ay mahalaga upang masiguro na mabilis at maayos ang pagtugon sa anumang insidente o pangangailangang medikal ng mga mamamayan at biyahero.


"Ang presensya ng PDRRMO ay patunay na hindi tayo nag-iisa sa ating layunin na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Ang ating MDRRMO San Rafael Rescue ay laging handa at katuwang ang lalawigan sa pagbabantay ngayong Semana Santa," anang mensahe mula sa pamunuan ng bayan.


Nananatiling naka- full alert ang ating mga rescue teams at assistance desks sa buong durasyon ng kapistahan upang matiyak ang isang ligtas at payapang paggunita para sa lahat.

Comments


bottom of page