top of page

Kahalagahan ng Breastfeeding, Tampok sa Seminar sa San Rafael


Matagumpay na isinagawa ang Breastfeeding Awareness Seminar nitong Agosto 18, 2026 sa 3rd Floor ng RCS Building, Municipal Compound, San Rafael, Bulacan, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Breastfeeding Awareness Month ngayong taon.


Dumalo sa seminar ang maraming buntis at nagpapasusong ina na naglaan ng oras upang makinig at matuto tungkol sa kahalagahan ng pagpapasuso at gatas ng ina o breastmilk para sa kalusugan at kinabukasan ng kanilang mga anak.


Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga ina tungkol sa kahalagahan ng breastfeeding at mahikayat ang mga pamilya na suportahan ang ligtas at wastong pagpapasuso.


Ayon sa Municipal Nutrition Office of San Rafael, mahalaga ang pakikilahok ng mga ina sa ganitong mga programa upang higit nilang maunawaan ang papel ng breastmilk sa paglaki at kalusugan ng mga bata.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga organizer sa mga buntis at nagpapasusong ina na nakiisa sa programa, na itinuturing na bahagi ng sama-samang pagtataguyod ng isang malusog at nagkakaisang komunidad sa San Rafael.

Comments


bottom of page