top of page

Kabataang Lider, Binigyan ng Pagkakataong Matuto sa Pamahalaang Bayan

Aug 26
1 min read

Nakibahagi si Boy Vice Mayor Terrence Vaughn Martin sa mga gawain ng Sangguniang Bayan ng San Rafael bilang bahagi ng programang Boy/Girl Officials.


Sa mensahe ni Vice Mayor Edison M. Veneracion, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagbibigay sa mga kabataan ng pagkakataong maranasan at matutunan ang mga proseso ng pamamahala at serbisyo publiko.


Ayon kay Veneracion, ang ganitong karanasan ay makatutulong sa paghahanda sa mga kabataan bilang mga susunod na lider at inaasahang magpapatuloy sa paglilingkod sa bayan.


Hinimok din niya si Terrence at ang iba pang Boy/Girl Officials na dalhin ang kanilang mga natutuhan sa mga susunod na yugto ng kanilang buhay at piliing patuloy na magsilbi sa kanilang kapwa at bayan.

Comments


bottom of page