Kaayusan at Seguridad: Mayor Goto Violago, Mainit na Tinanggap ang mga Bagong Hepe ng PNP at BFP
- SB San Rafael

- Jul 13
- 1 min read

Upang mas mapalapit ang pamahalaan sa mga mamamayan, muling binigyang-diin ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. na nananatiling bukas ang kaniyang tanggapan para sa bawat San Rafaeleño na nangangailangan ng tulong, may mungkahi, o may dalang mga programang makatutulong sa bayan.
Ayon kay Mayor Violago, mahalagang bahagi ng kaniyang administrasyon ang pakikinig sa ideya at suhestiyon ng publiko upang makapaghatid ng isang mas maayos, makatao, at makabuluhang serbisyo publiko para sa lahat.

Kasabay ng patuloy na pag-asikaso sa mga mamamayan, malugod ding tinanggap at binati ng alkalde ang mga bagong naitalagang hepe ng San Rafael Municipal Police Station (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).
"Welcome po sa Bayan ng San Rafael! Nawa'y maging matagumpay ang ating pagtutulungan sa pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat mamamayan," pahayag ng Punong Bayan bilang pagtanggap sa mga bagong pinuno ng seguridad at kaligtasan.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang alkalde sa walang sawang pagtitiwala at pakikiisa ng mga mamamayan, habang nangakong mas hihigpitan pa ang pakikipagtulungan sa kapulisan at mga bumbero upang mapanatiling payapa at ligtas ang buong San Rafael.




Comments