Jollibee San Rafael, Nag-aalok ng Iba’t Ibang Trabaho

Nag-anunsyo ang Jollibee San Rafael ng agarang hiring para sa mga kwalipikadong aplikanteng nais maging bahagi ng kanilang team.
Kabilang sa mga posisyong bukas ang Management Trainee, Service Crew, Kitchen Crew, Maintenance Crew, Party Host, Mascot Talent, at Party Assistant.
Ang mga interesadong aplikante ay maaaring magdala ng updated resume sa Jollibee San Rafael na matatagpuan sa Pan-Philippine Highway, Barangay Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan.
Tumatanggap ng aplikante Lunes hanggang Linggo, alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon. Isasagawa rin ang on-the-spot interview at assessment.
Ang hiring announcement ay ibinahagi ng Public Employment Service Office (PESO) San Rafael bilang bahagi ng pagbibigay ng impormasyon sa mga naghahanap ng trabaho sa bayan.






Comments