top of page

Job Hiring Alert: PESO San Rafael, Magsasagawa ng Local Recruitment Activity sa April 21


Magandang balita para sa mga naghahanap ng trabaho! Ang Public Employment Service Office (PESO) ng San Rafael ay magsasagawa ng isang Local Recruitment Activity ngayong darating na Martes, Abril 21, 2026, ganap na 9:00 ng umaga sa PESO Office.


Ang nasabing aktibidad ay pakikipagtulungan sa Good Hands Multi-Purpose Cooperative, na naghahanap ng mga karagdagang manpower na ide-deploy o ia-assign sa S&R New York Style na matatagpuan sa Waltermart San Rafael.


Inaanyayahan ang lahat ng mga interesadong aplikante na magtungo nang maaga sa PESO Office. Paalala sa lahat na magdala ng dalawang (2) kopya ng inyong updated resume. Maghanda rin para sa isasagawang on-the-spot interview and assessment upang mapabilis ang proseso ng inyong aplikasyon.


Ang paglulunsad ng mga ganitong recruitment activity ay bahagi ng patuloy na pagsisikap nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion na ilapit ang mga oportunidad sa trabaho sa bawat San Rafaeleño. Hangad ng lokal na pamahalaan na makapagbigay ng marangal na kabuhayan sa ating mga mamamayan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa mga kumpanyang nangangailangan ng manggagawa.


Huwag palampasin ang pagkakataong ito na magkaroon ng stable na trabaho malapit sa inyong tahanan. Maghanda at maging handa para sa on-the-spot interview!

Comments


bottom of page