top of page

Job Fair at One-Stop Government Services, Isasagawa sa San Rafael sa Agosto 5


Inihayag ng Public Employment Service Office (PESO) San Rafael na magdaraos ito ng Job Fair with One-Stop Government Services sa darating na Agosto 5, 2026 (Miyerkules).

Gaganapin ang naturang aktibidad simula 9:00 ng umaga sa 3rd Floor, Municipal Main Building ng San Rafael, Bulacan.


Bukas ang Job Fair sa lahat ng mga naghahanap ng trabaho—mga fresh graduates, kasalukuyang walang trabaho, o mga nagnanais na lumipat ng panibagong karera.



Layunin ng programa na magbukas ng mas maraming lokal na oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng pag-iipon ng iba't ibang employer sa iisang lugar, gayundin ang pagpapadali ng pagkuha ng mga pampublikong dokumento sa tulong ng mga dadalong ahensya ng pamahalaan.


Inaanyayahan ang mga interesadong job seekers na magparehistro muna nang maaga sa pamamagitan ng opisyal na Google Form sa link na ito: https://forms.gle/eNPbsRZJC5rWEw499.


Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan at PESO San Rafael, upang magkaloob ng sapat at disenteng kabuhayan para sa mamamayang San Rafaeleño.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page