top of page

Jairus Jess Ventoso, Nagwagi sa Regional School Press Conference


Isang malaking karangalan ang iniuwi ng ating kababayang si Jairus Jess Ventoso mula sa Barangay Caingin matapos hiranging kampeon sa larangan ng Campus Journalism – Pagsulat ng Kolum.


Si Ventoso, na isang mahusay na mag-aaral mula sa St. Paul College San Rafael, ay nagpakita ng kakaibang talino at husay sa pamamahayag sa ginanap na Regional School Press Conference (RSPC) noong ika-18 hanggang ika-20 ng Marso sa Baler, Aurora. Dahil sa kanyang pagkapanalo, matagumpay niyang nirepresenta ang buong lalawigan ng Bulacan sa nasabing kompetisyon.


Dahil sa kanyang natatanging galing at dedikasyon, nakatakda siyang humarap sa mas malaking hamon bilang kinatawan ng rehiyon sa National School Press Conference (NSPC). Ang pambansang paligsahan ay gaganapin sa Abril 13–17, 2026, sa Ormoc, Leyte.


Nagpaabot ng mainit na pagbati sina Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion, kasama ang buong Pamahalaang Bayan. "Ang tagumpay ni Jairus ay tunay na inspirasyon sa kabataang San Rafaeleño. Pinatutunayan nito na ang sipag at pagmamahal sa sining ng pagsusulat ay nagbubunga ng dakilang parangal," anang lokal na pamahalaan.


Asahan ang buong suporta ng bayan ng San Rafael sa muling pagsabak ni Jairus sa pambansang entablado. Ipagpatuloy ang iyong husay at nawa’y muli mong iwagayway ang bandila ng ating bayan!

Comments


bottom of page