top of page

Iwas-Penalty: Pamahalaang Bayan, Nanawagan sa Maagang Pagbabayad ng Income Tax

Upang matiyak ang maayos na koleksyon ng buwis at makaiwas sa abala, muling ipinapaalala ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa lahat ng mga negosyante at indibidwal na taxpayers na ang huling araw ng pagbabayad ng Income Tax ay sa darating na Abril 15, 2026.


Sa ilalim ng adbokasiya nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, hinihikayat ang bawat mamamayan na asikasuhin nang maaga ang kanilang mga obligasyong pinansyal sa pamahalaan. Ang tamang pagbabayad ng buwis ay mahalagang pundasyon upang maipagpatuloy ang mga proyekto at serbisyo-publiko sa ating bayan.


Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), mahalagang makapagbayad sa itinakdang petsa upang maiwasan ang mga kaukulang penalty o surcharge na ipinapataw sa mga huling maghahain ng kanilang tax returns.


Para sa mga nagnanais magbayad o may mga katanungan, maaaring bisitahin ang opisyal na website ng BIR sa www.bir.gov.ph o magtungo sa pinakamalapit na Revenue District Office (RDO) sa inyong lugar.

 
 
 

Comments


bottom of page