International Firefighters' Day
- SB San Rafael

- May 4
- 1 min read

Nagpaabot ng taos-pusong pagbati at pasasalamat si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion kasabay ng paggunita sa International Firefighters’ Day ngayong Mayo 4.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Kuya Edison ang kahalagahan ng araw na ito upang kilalanin ang katapangan, sakripisyo, at walang-sawang dedikasyon ng mga bumbero. Aniya, ang mga kawani ng pamatay-sunog ay patuloy na naglilingkod upang mapangalagaan ang buhay at ari-arian ng bawat mamamayan sa gitna ng matinding panganib at banta ng sunog.
Dagdag pa ng Pangalawang Punong Bayan, sa kabila ng mga hamon at panganib sa kanilang tungkulin, ang mga bumbero ay nananatiling nakatayo at laging handang tumugon sa oras ng pangangailangan.
Ipinakikita ng paggunita na ito ang malaking respeto at pagkilala ng bayan sa kanilang walang kapantay na serbisyo publiko.





Comments