Inspirasyon at Tagumpay: Kon. Jaime I. Viceo V, JD, Nagtapos Na sa Pag-aaral ng Batas
- SB San Rafael

- Jul 26
- 1 min read

Buong pusong nagpaabot ng pagbati at pagkilala ang pamilya ng Sangguniang Bayan ng San Rafael sa matagumpay na pagtatapos sa pag-aaral ng batas ni Kgg. Jaime "Jolo" I. Viceo V, JD.
Ang naturang mahalagang tagumpay sa larangan ng edukasyon ay kinilala bilang bunga ng kaniyang walang sawang sipag, tiyaga, at dedikasyon sa kabila ng kaniyang mga tungkulin bilang isang pampublikong lingkod sa bayan.
Ayon sa pamunuan ng Sangguniang Bayan, ang kaniyang tagumpay ay inaasahang magsisilbing inspirasyon sa maraming kabataan at mamamayan ng San Rafael, gayundin bilang mas matibay na pundasyon upang makapaglingkod nang may mas malalim na karunungan, integridad, at malasakit sa bayan.
Ang taos-pusong pagbati at suporta ay pinalakas ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang buong kasapi ng Sangguniang Bayan.
Hangad ng buong pamahalaang lokal ang kaniyang patuloy na tagumpay sa kaniyang napiling propesyon sa batas at sa patuloy na paglilingkod sa sambayanang San Rafaeleño.




Comments