Inklusibong Pag-unlad: MDC Meeting, Matagumpay na Isinagawa
- SB San Rafael

- Apr 13
- 1 min read

Upang matiyak ang maayos at planadong pag-unlad ng ating bayan, matagumpay na naisagawa ang pagpupulong ng Municipal Development Council (MDC) sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael.
Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ng ating Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., katuwang si Konsehal Edlin Indon, Chairperson ng Committee on Finance and Appropriations. Kasama rin sa mahalagang talakayang ito sina Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente at Secretary to the Mayor Acmad Calaca.
Ang pagpupulong ay naging daan upang pag-usapan ang mga mahahalagang proyekto at programa na nakatuon sa kapakanan ng bawat San Rafaeleño. Binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng inklusibo at partisipatibong pamamahala, kung saan aktibong lumahok ang mga Punong Barangay at mga kinatawan mula sa iba’t ibang samahan at civil society organizations sa ating bayan.
Ayon kay Mayor Goto, ang boses ng bawat sektor ay mahalaga upang masiguro na ang bawat piseta ng pondo ng bayan ay napupunta sa mga proyektong tunay na kailangan ng mga mamamayan. Ang aktibidad ay maayos na pinangasiwaan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) sa ilalim ng pamumuno ni Engr. Emmanuel San Roque.
Sa pamamagitan ng MDC, patuloy na pinagtitibay ng lokal na pamahalaan, katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion, ang pundasyon ng isang maunlad, disiplinado, at nagkakaisang San Rafael.





Comments