top of page

Ika-34 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng SB, Nilahukan ng Boy/Girl Officials

Aug 25
1 min read

Updated: Sep 3

Isinagawa ang ika-34 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael sa pangunguna ni Pangalawang Punong Bayan Edison M. Veneracion, kasama ang mga kagawad ng Sanggunian.


Nakibahagi rin sa pagpupulong ang mga Boy/Girl Officials Counterparts na nagsilbing katuwang ng mga opisyal ng Pamahalaang Bayan. Sa pamamagitan ng programa, nabigyan ang mga kabataan ng pagkakataong makilahok sa mga gawain ng lokal na pamahalaan at matuto tungkol sa paglilingkod-bayan.


Layunin ng naturang programa na mahubog ang kaalaman at karanasan ng mga kabataan sa pamamahala at pamumuno bilang paghahanda sa kanilang magiging papel sa komunidad.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Sangguniang Bayan sa mga kagawad, Boy/Girl Officials Counterparts, at lahat ng nakiisa sa makabuluhang gawain.


Comments


bottom of page