top of page

Ika-27 Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan ng San Rafael, Matagumpay na Idinaos


Upang patuloy na balangkasin ang mga batas na magsusulong ng kapakanan ng komunidad, matagumpay na idinaos ang ika-27 Regular Session ng Sangguniang Bayan ng San Rafael nitong Lunes, ika-6 ng Hulyo.


Ang naturang sesyon ay pinangunahan ng Presiding Officer at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, katuwang ang mga masisipag na Kagawad ng Sangguniang Bayan at mga kawani ng lehislatura.


Sa pagpupulong na ito, masusing hinimay ng konseho ang iba't ibang mahahalagang ordinansa at resolusyon na isinusulong para sa patuloy na pag-unlad ng bayan. Nakatutok ang mga panukalang ito sa pagpapabuti ng mga serbisyong panlipunan, proteksyon ng mamamayan, at pagpapalakas ng mga lokal na industriya sa San Rafael.



Ayon sa tanggapan ni Vice Mayor Veneracion, nananatiling aktibo at kaisa ang lehislatura sa pagbuo ng mga polisiya na direktang makatutulong at magpapagaan sa pamumuhay ng bawat pamilyang San Rafaeleño.


Inaasahan na ang mga ordinansang tinalakay sa sesyon ay dadaan sa mga susunod na pagbasa at konsultasyon upang tuluyang maipatupad para sa kapakinabangan ng buong sambayanan.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page