Ika-23 Regular Session ng Sangguniang Bayan, Matagumpay na Idinaos
- SB San Rafael

- Jun 9
- 1 min read

Upang patuloy na tugunan ang mga pangangailangan ng bayan sa pamamagitan ng mga makabuluhang batas at polisiya, matagumpay na isinagawa ang ika-23 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael.
Ang pagtitipon ay pinangunahan ni Pangalawang Punongbayan Kgg. Edison "Kuya" M. Veneracion bilang Presiding Officer ng lokal na lehislatura.

Katuwang ni Vice Mayor Veneracion sa nasabing sesyon ang mga masisipag na miyembro ng Sangguniang Bayan o mga Kagalang-galang na Kagawad, pati na rin ang mga kawani ng konseho. Sa pamamagitan ng pagpupulong na ito, masusing binalangkas at tinalakay ng mga opisyal ang iba't ibang mahahalagang adyenda, resolusyon, at ordinansa na may layuning iangat ang antas ng pamumuhay at seguridad ng mga mamamayan.





Comments