top of page

Ika-14 na Pangkaraniwang Pagpupulong, Matagumpay na Naisagawa


Bilang bahagi ng tuloy-tuloy na tungkulin sa pagbabalangkas ng mga batas at polisiyang makabuluhan, matagumpay na idinaos ang Ika-14 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael noong ika-6 ng Abril, 2026.


Ang nasabing sesyon ay pinangunahan ng ating Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, katuwang ang mga kagalang-galang na Kagawad ng Sangguniang Bayan. Sa loob ng session hall, muling hinimay ang mga panukala at resolusyong nakatuon sa pagpapabuti ng kalagayan ng bawat sektor sa ating komunidad.



Sa nasabing pagpupulong, binigyang-priyoridad ang mga programang naglalayong mas mapabilis ang paghahatid ng serbisyo-publiko at tumugon sa mga kasalukuyang pangangailangan ng mga mamamayan. Ayon kay Vice Mayor Edison, ang pagkakaisa ng lehislatura ay susi upang maisakatuparan ang mga adhikain nina Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr. para sa isang maunlad at disiplinadong bayan.



Comments


bottom of page