top of page

Ian Gauge Violago De Hitta, Nagkamit ng Silver Medal sa SEAFF Championship 2026

Aug 7
1 min read

Nagkamit ng Silver Medal si Ian Gauge Violago De Hitta sa Under 12 Boys' Foil category ng SEAFF Championship 2026.


Sa isang mensahe, binati ni Punong Bayan Igg. Cipriano Violago, Jr. ang kanyang apo at pinuri ang sipag, disiplina, tiyaga, at determinasyong ipinakita nito upang makamit ang naturang tagumpay.


Ayon kay Mayor Violago, nawa'y magsilbing inspirasyon si Ian Gauge sa mga kabataan na patuloy mangarap, magsikap, at abutin ang kanilang mga layunin. Hinikayat din niya ang kanyang apo na manatiling mapagpakumbaba at ipagpatuloy ang pagbibigay ng karangalan sa Bayan ng San Rafael at sa Pilipinas.


Nagpaabot din ng pasasalamat ang Punong Bayan kay Coach Michael Nicanor sa kanyang patuloy na paggabay at dedikasyon sa paghubog sa kakayahan ni Ian Gauge.



Comments


bottom of page