Ian Gauge De Hitta, Nagpakitang-gilas sa Fencing Championship sa Malaysia

Ipinahayag ni Mayor Cipriano D. Violago, Jr. ang kanyang pagmamalaki sa apo niyang si Ian Gauge De Hitta na nagpakita ng husay at dedikasyon sa larangan ng fencing sa 2026 SEAFF Minime, Junior, and Cadet Fencing Championships na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Bilang pagkilala sa pagsisikap at tagumpay ng mga atletang Pilipino, nagsagawa sila ng courtesy call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Malacañang Palace, kung saan kinilala ang kanilang husay at dedikasyong nagbigay karangalan sa bansa.
Ipinahayag ni Mayor Violago ang kanyang kasiyahan bilang isang lolo sa patuloy na pagsisikap ng kanyang apo sa larangan ng palakasan. Aniya, nagsisilbing inspirasyon si Ian sa iba pang kabataan na patuloy na nangangarap at nagsisikap na makamit ang kanilang mga mithiin.
Nagpaabot din siya ng suporta kay Ian at sa iba pang kabataang atleta na nagsisikap na maiangat ang pangalan ng San Rafael at ng Pilipinas sa larangan ng palakasan.






Comments