I-RUN Bulacan Leg 2, Ligtas na Idinaos sa San Rafael
Nagbigay ng seguridad at traffic assistance ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS), 2nd Provincial Mobile Force Company (2nd PMFC), at 301st Regional Mobile Force Battalion 3 (301st RMFB3) sa isinagawang I-RUN Bulacan Leg 2 ngayong Agosto 2, 2026.
Pinangunahan ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS, ang mga tauhan ng himpilan. Katuwang din dito sina PLTCOL Karl Marlo Sanchez, Force Commander ng 2nd PMFC, at PMAJ Van Kimber G. Kitong, Company Commander ng 301st RMFB3.
Nagsimula ang 21-kilometrong ruta sa San Rafael Municipal Compound, Barangay Sampaloc hanggang Viola Highway, Barangay Talacsan, kung saan isinagawa ang U-turn ng mga kalahok.
Itinalaga ang mga tauhan sa iba’t ibang bahagi ng ruta upang matiyak ang kaligtasan ng mga runner, organizer, manonood, at motorista, gayundin ang maayos na daloy ng trapiko.
Naging maayos at ligtas ang aktibidad sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga kapulisan, Pamahalaang Bayan ng San Rafael, at iba pang katuwang na ahensya.






Comments