Happy Birthday, PLTCOL Lawrence Bathan!
- SB San Rafael

- Jul 21
- 1 min read
Updated: Jul 22

Nagpaabot ng mainit at taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ng Acting Chief of Police ng San Rafael Municipal Police Station na si PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan.
Ang pormal na pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, at ng buong kasapi ng Sangguniang Bayan kasama ang mga kawani ng pamahalaang lokal.
Bukod sa pasasalamat sa kaniyang dedikasyon at mahusay na pamumuno sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa buong bayan, ipinagdasal din ng pamunuan ang kaniyang patuloy na mabuting kalusugan, kaligtasan sa pagtupad ng tungkulin, at karagdagang mga biyaya mula sa Poong Maykapal.
Si PLTCOL Bathan ay patuloy na naging katuwang ng pamahalaang lokal at ng mga barangay sa pagsusulong ng mga programang pangkatiwasayan upang matiyak na ligtas at payapa ang bawat pamilyang San Rafaeleño.





Comments