top of page

Happy Birthday, Ma'am Cindy Violago!

Aug 5
1 min read

Nagpaabot ng taos-pusong pagbati at pagpupugay ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ni Gng. Cindy Violago, ang kabiyak ng kinatawan ng ikalimang distrito ng Bulacan na si Kgg. Mark Cholo I. Violago.


Ang opisyal na pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan, kasama ang mamamayan ng San Rafael.


Nakiisa ang pamunuan ng bayan sa paghahatid ng dalangin na patuloy siyang pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at mas maraming biyaya habang patuloy na nagbibigay ng suporta at inspirasyon sa pamilya at sa publiko.


Hangad ng buong San Rafael ang kanyang patuloy na tagumpay at masayang pagdiriwang ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Comments


bottom of page