Happy Birthday, Kapitan John Patrick De Guzman!
- SB San Rafael

- Apr 30
- 1 min read

Nagpahatid ng isang maligaya at mapagpalang pagbati ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ng masipag na Punong Barangay ng Coral na Bato, Kgg. John Patrick S. De Guzman.
Ang pagbati ay personal na ipinaabot ng lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, at ng buong hanay ng Sangguniang Bayan.
Ngayong araw na ito, kinikilala ng pamunuan ang dedikasyon at walang sawang paglilingkod ni Kapitan De Guzman sa mga mamamayan ng Barangay Coral na Bato. Ang kanyang sipag at malasakit ay patuloy na nagiging mahalagang bahagi ng pag-unlad ng komunidad sa bayan ng San Rafael.
Dalangin ng buong pamahalaang bayan ang kanyang patuloy na mabuting kalusugan, lakas ng pangangatawan, at higit pang mga biyaya mula sa Panginoong Maykapal upang patuloy pa niyang magabayan at mapagsilbihan ang kanyang mga nasasakupan.





Comments