Happy Birthday, Kap. Sammy!
- SB San Rafael

- Aug 4
- 1 min read

Nagpaabot ng taos-pusong pagbati at pagpupugay ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ng masipag na Punong Barangay ng Pasong Inchik na si Kgg. Sammy V. Villacorta.
Ang opisyal na pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, at ng buong kasapi ng Sangguniang Bayan.
Nakiisa ang pamunuan ng bayan sa paghahatid ng dalangin na patuloy siyang pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas ng katawan, at karunungan upang maipagpatuloy ang kanyang tapat na paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan sa Barangay Pasong Inchik.




Comments