Happy Birthday, Kap. Ato Abraham!
- SB San Rafael

- Mar 8
- 1 min read

Isang mainit at masayang pagbati ang ipinaabot ng buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ng ating masipag na Punong Barangay ng Sampaloc, Kgg. Rene R. Abraham, o mas kilala ng kanyang mga kasama at ka-barangay bilang Kap. Ato.
Ang pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan. Kinilala ng pamunuan ang mahalagang papel ni Kapitan Ato bilang katuwang ng munisipyo sa paghahatid ng tapat at mabilis na serbisyo sa mga residente ng Barangay Sampaloc.
Dalangin ng lokal na pamahalaan ang patuloy na mabuting kalusugan, kalakasan, at gabay ng Panginoon para kay Kap. Ato upang patuloy niyang mapangalagaan ang kapakanan ng kanyang nasasakupan.





Comments